Nakaranas ng unscheduled o emergency power interruption ang buong bayan ng Mapandan at ilang bahagi ng Urdaneta City noong Lunes ng gabi, Abril 27, dahil sa nasirang kable ng kuryente sa Barangay Poblacion, Mapandan.
Batay sa ulat, nagsimula ang pagkawala ng kuryente alas-9:33 ng gabi bunsod ng pagpapalit ng damaged cut-out mula sa sunog sa nasabing lugar.
Agad namang naibalik ang suplay ng kuryente alas-9:42 ng gabi matapos ang isinagawang pagkukumpuni.
Kabilang sa mga naapektuhan ang buong Mapandan at mga barangay ng Calegu Catablan at San Jose Riverside sa Urdaneta City.
Samantala, wala namang iniulat na iba pang pinsala kaugnay ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








