Friday, May 1, 2026

Inisyal na assessment ng mga rally ngayong Labor Day, payapa ayon sa PNP

Kasalukuyang mapayapa at maayos, ito ang binigay na inisyal na assessment ng Philippine National Police (PNP) sa paggunita ng Labor Day ngayong araw.

Ang nasabing assessment ng PNP ay as of 9 am kung saan wala pang naitalang mga untoward incidents sa mga mino-monitor na lugar.
Sa monitoring ng PNP as of 10AM nasa 19 na mga rallies ang isinagawa sa NCR, 4A, Region 7, 10, 11,12,Negros Island Region at CAR kung saan 2 rito ay nagtapos na rin.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuano , dinaluhan ang nasabing mga rallies ng nasa higit 4,000 katao.

Nabatid na nasa higit 100 libong personnel ang ipinakalat sa buong bansa kasama ng force multipliers at mga katuwang na ahensya kasabay na rito ang pagtaas ng full alert status ng organisasyon hanggang May 2.

Samantala, pinalagan naman ng PNP na “overkill” ang latag ng kanilang seguridad ngayong Labor Day at sinabing ginawa lang nila ang nararapat na deployment para matiyak ang seguridad ng publiko.

Facebook Comments