𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Arestado ang tatlong katao sa isinagawang buy bust operation sa Brgy.. Bonuan Gueset, Dagupan City.

Dalawa sa suspek ang mula sa mismong lugar at kinilalang sina alyas Andrea, 27 anyos at alyas Viser edad 60 anyos. Habang kinilala bilang alyas Eugene ang isa pang suspek, 42 anyos, mula sa Brgy. Nalsian, Calasiao.

Nakompiska sa mga suspek ang ibinebentang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 5 gramo at nagkakahalaga ng P34, 000. Nasamsam din sa kanilang pagmamay-ari ang . 3 grams ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P2, 040.

Nasa kustodiya ng Dagupan City Police Station ang mga suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments