1 patay, 2 sugatan sa panibagong insidente ng pamamaril sa loob ng Mindanao State University sa Marawi

Nasawi ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawa pa matapos ang panibagong insidente ng pamamaril sa loob ng Mindanao State University (MSU) sa Brgy. Lomidong, Marawi City kagabi.

Ayon kay Police Lt. Col. Nelson Madiwo, hepe ng Marawi Police, naganap ang pamamaril sa isang kainan sa loob ng MSU.

Kinilala ang nasawi na si Samanodong Menor Madaag habang ang mga sugatan naman ay sina Salic Macatanto Alawi Sarip at Moh’d Salic Ampuan Salic Jr.


Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP), bigla na lang namaril ang mga suspek gamit ang M-16 rifle at pagkatapos ay tumakas.

Nakikala naman ang mga suspek na sina Sohaily Arindig Ampuan at Raffy Madale na mga residente rin sa lugar.

Sa ngayon, hindi pa alam ang motibo sa pamamaril.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng PNP sa mga suspek.

Facebook Comments