1 sundalo, patay; 1 Philippine Army officer nakaligtas sa ambush sa Cotabato

Patay ang isang sundalo habang nakaligtas ang isang opisyal ng Philippine Army sa ambush sa Cotabato City nitong Sabado.

Nangyari ang insidente pasado alas-7:00 kagabi sa Sinsuat Avenue, Rosary Heights 9.

Ayon sa mga awtoridad, sakay ng pulang SUV sina Lt. Col. Maniago Balayman Macalantagui at driver nito na si Army Corporal Ramil Upam Laguioman nang bigla silang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang gunman.


Napuruhan sa pamamaril si Laguioman habang nakaligtas si Macalantangui.

Agad na isinugod sa Notre Dame Hospital ang mga biktima pero idineklarang dead-on-arrival si Laguioman.

Narekober sa crime scene ang pitong cartridges na pinaniniwalaang mula sa kalibre 45 baril at tatlong piraso ng bala.

Nagsasagawa na ng follow-up investigastion sa insidente ang mga awtoridad.

Facebook Comments