Billy Crawford, kampeon sa “Dancing with the Stars” sa France

Itinanghal na kampeon sa 12th season ng “Dancing with the Stars” sa France ang singer-dancer-TV host na si Billy Crawford.

Kasama niyang nagwagi sa kompetisyon ang dance partner na si Fauve Hautot.

Proud na proud naman si Coleen Garcia sa achievement ng asawang si Billy.


Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Coleen na higit sa pagkapanalo sa paligsahan, proud siya kay Billy bilang isang napakabuti at humble na taong nagpupursige at nangangarap nang mataas para sa kanyang pamilya.

Blessed din daw siya dahil mayroong ama ang kanilang anak na titingalain nito.

Congratulations, Billy!

Facebook Comments