10 hanggang 20 manufacturers ng noche buena products, nagpatupad na ng taas-presyo; DTI, nakiusap sa mga manufacturer na hanggang 10% lang ang ipatupad na dagdag-presyo!

Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagsimula na tumaas ang presyo ng ilang produktong pang-noche buena.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na 10 hanggang 20 manufacturers ang nagpatupad na ng dagdag-presyo sa kanilang mga produkto.

Kasunod nito, inamin ni Castelo na nakikiusap pa rin sila sa manufacturers ng Christmas products na hanggang 10% ang kanilang ipatupad na taas-presyo.


Ayon kay Castelo, naobserbahan nila ngayong linggo na tumaas ang presyo ng ilang produkto tulad ng ham, mayonnaise, pasta at iba pa.

Samantala, nagpaalala naman ang DTI sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga Christmas lights.

Paalala ni Castelo na dapat suriin ng mga mamimili ang mga sticker ng ICC sa kahon ng mga produkto.

Facebook Comments