
Cauayan City — Sampung indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad matapos maaktuhan sa aktwal na pagsasagawa ng ilegal na sabong sa Baggao, Cagayan.
Ayon sa ulat, walang naipakitang kaukulang permit o dokumento ang mga nahuling kalahok sa sabong, dahilan upang sila ay agad na arestuhin.
Kabilang sa mga nakumpiska sa lugar ng insidente ay sampung buhay na manok panabong, isang patay na manok, siyam na piraso ng tari, pito na plastic scabbard, isang gamit sa panghasa, isang gaffer set, tatlong kulungan ng manok, at isang sling bag na may lamang halagang Php11,340.00.
Dinala ang ang mga suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya sa Baggao Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Presidential Decree 449 o Cockfighting Law of the Philippines.
Samantala, isinagawa ang operasyon sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Noriel Lacangan ng Baggao Police Station, katuwang ang 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company at 204th Regional Mobile Force Battalion 2.