11 COVID-19 antigen test kits, isinasailalim na sa performance validation

135

Nasa 11 na ang mga aplikasyong natanggap ng Food and Drug Administration (FDA) para sa special certification para sa home COVID-19 antigen test kits.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na ito ay as of January 17 o hanggang kahapon.

Sinabi pa nito na ine-evaluate na ng mga eksperto ang mga aplikasyon at naipasa na ito sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM para sa performance validation.


Nabatid na marami na ang gumagamit ng home COVID-19 antigen test kits para maagap na matukoy kung sila ay positibo sa COVID-19.

Facebook Comments