Wednesday, November 25, 2026

PBBM, handang alisin ang mga kuwestiyonableng pondo sa 2027 budget

Handang alisin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga kuwestiyonableng alokasyon sa panukalang 2027 national budget na inilantad ni Senador Panfilo Lacson.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi papayag ang Pangulo na maisama sa budget ang mga pondong may iregularidad.

Sabi ni Castro, pwedeng maging batayan sa pagsasampa ng kaso ang mga dokumentong hawak ni Lacson, basta’t mapatunayang beripikado ang mga ito.

Kabilang sa mga inilantad ng senador ang mga kahina-hinalang budget allocation at umano’y ghost projects.

Hinimok din ng Palasyo ang iba pang senador na tumulong sa pagbabantay upang matiyak na malinis ang paggamit ng pondo ng bayan.

Facebook Comments