Manila, Philippines – Sumuko sa militar ang labing isang Lumad na miyembro ng NPA sa Brgy. Sto. Nino, Bagumbayan, Sultan Kudarat kahapon sa ginanap na Christmas party ng militar para sa mga katutubo.
Ayon kay 33IB Commander Lt. Col Harold Cabunoc ang pagsuko ng 10 mga miyembro ng platoon Arabo ng guerrilla front 73 ng NPA ang pinaka huli sa sunod-sunod na pagsuko ng mga NPA sa lugar sa ilalim ng balik-tribo program ng 33 IB.
Paliwanag ni Lt. Col. Cabunoc, sa ilalim ng balik-tribo program, tumutulong ang militar at local government para tanggapin ng kanilang mga pamilya at mga village elders Ang mga nagbabalik loob na NPA.
Iniulat ni Cabunoc na sa ngayon ay umaabot na sa 91 miyembro ng Guerilla front 73 ang sumuko sa 33RD IB Simula noong Mayo 2017.
23 sa mga unang sumuko ang nakatakdang tumanggap ng mga benepisyo mula sa lokal na pamahalaan na bahagi ng comprehensive local integration program sa isasagawang awarding ceremony sa koronadal City ngayong umaga.
Dumalo sa naturang pagtitipon ang mga Lumad mula sa iba’t-ibang barangay sa lugar, kasama ang kanilang mga kapitan, tribal elders, local government at police officials.