Aabot sa 11,000 kumpanyang ang hindi nakakasunod nang tama sa mga health and safety guidelines laban sa COVID-19.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco, sa mahigit 47,000 na establisyemento na kanilang ininspeksiyon, 11,396 sa mga ito ang non-compliant o hindi nakakasunod.
Ibig sabihin, nasa 76% ang compliance rate ng mga establisyemento.
Kabilang sa mga nakitang paglabag ng DOLE ay ang kawalan o kakulangan ng safety and health program, hindi pagpapatupad ng temperature check, hindi pagsusumite at hindi pag-fi-fill up ng health declaration form at hindi pagre-report ng COVID-19 cases sa kagawaran.
Prayoridad ng DOLE sa kanilang inspeksyon ang mga industriyang may pinakamaraming mangagagwa, gaya ng wholesale at retail services, accommodation and food services, business process outsourcing (BPO), manufacturing at financial and insurance services.
Kasabay nito, nagbabala ang DOLE na pwedeng ipatigil ang operasyon ng isang kompanya kapag napatunayang sinasadya nito ang paglabag.