
Nagbitiw bilang miyembro ng House of Representatives ang dalawang kinatawan ng party-list.
Ito ay sina 1Tahanan Party-list Rep. Nathaniel Oducado at Pinoy Workers Party-list Rep. Franz Vincent Legazpi.
Ang magkahiwalay na liham ng kanilang pagbibitiw bilang kinatawan ay ini-anunsyo sa plenary session ng Kamara kung saan wala silang tinukoy na dahilan.
Bunsod nito ay inatasan ng Plenaryo ang House Secretary General na alisin na sina Oducado at Legazpip sa roll of members ng kapulungan.
inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay manunumpa ang mga kapalit nina Oducado at Legazpi.
Facebook Comments










