Nag-deploy ng karagdagang tauhan ang Manila Police District sa dinarayong Fusion Alley sa Sampaloc, Maynila.
Ito’y para masiguro ang kaayusan at kaligtasan sa nasabing lugar na halos napupuno kapag nagsimula nang magbukas.
Bukod dito, hangad rin ng MPD na maging panatag at hindi mangamba ang mga nakapuwesto o nagtitinda sa nasabing lugar.
Personal rin na nag-ikot si MPD Dir. PBGen. Arnold Santiago sa Fusion Alley para makausap at paalalahanan ang mga namimili at negosyante na huwag mag-alinlangan lumapit sa kaniyang mga tauhan sakaling mangailangan ng anumang tulong.
Bukod sa mga nakatalaga at nagpapatrolyang mga pulis, nagdagdag rin ng mga tauhan mula sa Manila District Traffic Enforcement Unit upang maging maayos at walang problema ang daloy mg trapiko sa Fusion Alley.










