14 na mga LSIs, nakatakdang dumating ngayong araw sa Aklan

Kalibo, Aklan — Nakatakdang dumating ngayong araw sa probinsya ng Aklan ang 14 na mga Locally Stranded Individuals (LSIs).
Ito ay ang mga nakapasok sa “Hatid Tulong Program” ng gobyerno.
Sakay ng 2Go vessel mula Metro Manila ay dadaong ito sa Iloilo.
Base sa datus ng Western Visayas Regional Task Force, maliban sa 14 na mga taga Aklan ay darating din ang 304 na taga probinsya ng Iloilo, 64 na taga Bacolod City, 12 na taga Guimaras, 71 na taga Antique at 78 na taga Capiz.
Kasama rin dito ang 7 na taga Negros Oriental at isang taga Zamboanga del Norte.
Bago pa man bumiyahe ang mga nasabing LSIs ag sumailalin na ito sa Rapid Test Rizal Sports Complex at pagdating naman sa kanilang lugar ay muli silang kukunan ng RT-PCR test at saka i-quarantine.

Facebook Comments