Lezo, Aklan— Arestado ang isang 15 anyos na binata matapos pagnakawan ang isang 64 anyos na rice trader.
Ayon sa salaysay ng biktima na si Guadalupe Antonino residente ng Brgy, Bigaa, na nagpunta ito sa Brgy Tayhawan Lezo para maglaba sa ilog kung saan iniwan nito ang kanyang bag na naglalaman ng pera sa loob ng ipinagawang kubo kahapon ng umaga.
Bumalik umano ito sa kubo dakong alas 11:00 ngunit nagulat ito ng malaman na iba na ang posisyon ng kanyang bag at kulang na ng P43,000 ang pera nito.
Ayon kay Pmsgt. Ruel Relator na nakuha ng suspek ang bag dahil gawa lamang sa kawayan ang kubo at gumamit ito ng sanga bilang pangsungkit.
Agad umanong natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek dahil ipinatawag ang lahat ng mga kabataang naglalaro malapit sa lugar na pinangyarihan ng pagnanakaw kung saan kabilang na ang suspek.
Dagdag pa nito na isinumbong umano ng isang bata sa mga pulis na nakita nito ang suspek na may itinapon malapit sa poso kung saan nang pinuntahan nila ito ay doon mismo narecover ang pera.
Dahil menor de edad minabuti ng PNP na irefer ang kaso sa DSWD kung saan tutukuyin kung may discernment o pag-unawa ito sa ginawang kasalanan.
Sa oras aniya na magpalabas ng sertipikasyon ang tanggapan na may discernment aang suspek ay posinleng mahaharap ito sa kasong pagnanakaw.
Napag-alaman na may mga record rin umano ng pagnanakaw ang binatilyo sa kanilang lugar.
15 anyos na binatilyo pinagnakawan ang isang rice trader, arestado
Facebook Comments