160 barangay sa Caloocan, COVID-free na!

Nadagdagan pa at umabot na sa 160 mga barangay sa Caloocan City ang wala nang naitatalang kaso ng COVID-19.

Ayon sa Caloocan Public Infomation Office bumaba na ngayon sa 49 ang aktibong kaso sa lugar.

Katumbas na lamang yan ng 0.06 % na kumpirmadong kaso ng COVID-19 na halos nasa 75,000.


Batay sa datos gumaling na kasi ang nasa 97% o katumbas na 73,100.

Habang 1,760 naman ang napaulat na namatay.

Hinimok ng Caloocan Local Government Unit ang mga residente na maging maingat pa rin kahit patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments