18 most wanted at 12 high-value drug personalities, arestado; mahigit P39 milyon halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa loob ng 36 na oras

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad at ang mga operasyon nito sa lahat ng rehiyon sa bansa para mahuli ang 20 na indibidwal na most wanted at high-value drug personalities pati na rin ang pagkumpiska ng mahigit P39 na milyong halaga ng ilegal na droga sa kinasang operasyon sa loob ng 36 na oras.

Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa 18 most wanted persons na naaresto ay nasa top 2 hanggang top 10 mula sa regional rankings.

Binubuo ng nasabing most wanted ang anim na naaresto mula sa CALABARZON, tagdadalawa sa region 7 at NCR, at tag-iisa sa Region 3, CAR, BAR, NIR, Region 8, 9, 10, at 12.

Samantala, ang mga operatiba ng anti-drug ay nakaaresto ng 16 na mga suspek kung saan ang 12 dito ay mga high-value individual at ang isa ay street level na indibidwal.

Narekober sa nasabing mga operasyon ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P35 milyon na high-grade marijuana o kush na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P1.7 milyon, at synthetic cannabis o tuklaw na nasa mahigit P2.2 milyon ang tinatayang halaga.

Dahil dito, binigyang-diin ng PNP na ang nasabing mga matagumpay na operasyon ay sumasalamin sa malakas na operational posture sa paggabay ng PNP Focus Agenda.

Facebook Comments