19 NA KASO NG COVID-19 NAITALA NG REGION 1

17
Naitalang Department of Health- Ilocos Center for Health Development 1 ang 19 na kaso ng COVID-19 mula May 8-14.
Ayon sa DOH-CHD1, ang daily average cases ng rehiyon ay nasa tatlo lamang o 5.0% mababa kumpara noong nakaraang linggo.
Wala namang naitalang severe o critical cases sa mga nagpositibo.
Nadagdagan naman ng 17, 074 ang bilang ng mga fully vaccinated sa rehiyon kung kaya’t nasa 3, 608, 089 na katao na ang fully vaccinated.
Samantala, 764, 477 na ang naturukan ng booster dose matapos madagdagan ng 10, 882 na indibidwal ang naturukan sa nakalipas na linggo. | ifmnews
Facebook Comments