19 na pulis Maynila, sinibak dahil sa pangingikil

Inalis na sa puwesto ang mga opisyal at mga tauhan ng Palanca PCP, PS-14 ng Manila Police District (MPD) dahil sa hindi masawatang pangingikil sa mga tsuper ng jeepney sa Quiapo, Maynila.

Ang pagpapalit ng mga tauhan sa nabanggit na police precinct ay kasunod ng verified investigation na isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kabilang sa mga tinanggal sa tungkulin ay sina: PMaj. Bernardino Diaz Venturina- PCP Commander; PSMS Michael Lumasac Padilla; PSMS Arnold Martin delos Santos; PSSg. Jose Valenzuela Quiambao; PSSg. Dennis Alcantara Patungan; PSSg. Joel Acuña Castro; PSSg. Rogelio Sugui Domingo Jr.; PSSg. Dave Lavapiez Peciller; PSSg. Bernard C. Cacho; PSSg. Dave Formenta Pamintuan; PCpl. George B. Sotero; Pat. Ferry Jean Cuatriz Caraga; PSMS Rosallo M. Laluces; PSMS Arman L. De Vilar; PSSg. Niel Rosel Ebdane; PCpl. Japhet Talagtag Camu; PCpl. Francisco Nebrao Zeta; PAt. Lito Pagulayan Fugaban; at Pcpl. Sherina Obispo Melad.


Ang Palanca PCP ay pansamantalang pinamumunuan ni PLt. Eric Casuncad bilang Officer-in- Charge at dalawang team mula sa District Mobile Force Battalion.

Ayon kay PLt. Casuncad, ang bawat team ay binubuo ng pitong katao at mananatili ito hanggang sa magkaroon ng permanenteng tauhan.

Pinaalalahanan ni Casuncad ang publiko na iparating sa kaniyang tanggapan ang sinumang mangingikil sa mga jeepney driver.

Facebook Comments