DILG, dadalhin ang kampanya kontra iligal na droga sa workplace o mga pribadong kompanya

Dadalhin na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa workplace o malalaking pribadong kompanya ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal droga.

Ito ay bilang pagtalima sa layunin ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawn (BIDA) o Program.

Ayon kay DILG Secretary “Benhur” Abalos, Jr, plano nila pormal na ilunsad ang BIDA Workplace sa May 25, 2023.


Isang kasunduan ang inaasahang mapipirmahan sa mga kumasang mga private companies.

Layon nito na iayon ang mga kanilang mga programa at polisiya kontra droga ang mga pribadong kompanya na naaayon sa adhikain ng BIDA Program ayon kay Abalos.

Isang halimbawa aniya ay ang pagsasagawa ng random drug testing ng mga empleyado.

Paliwanag ng kalihim, naging inspirasyon ng BIDA Workplace ang naging magandang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor sa panahon ng pandemiya, partikular sa pagpatupad ng COVID-19 testing.

Facebook Comments