2 batang tinangkang dukutin, nakaligtas sa Morong, Rizal

Manila, Philippines – Nakaligtas mula sa tangkang pagdukot ang dalawang walong taong gulang na mga bata sa Morong, Rizal.
 
Ayon sa ina ng isa sa mga biktima na kinilala lamang bilang lita, naglalaro lang ang kanyang anak at pinsan nito sa kanilang bakuran nang sapilitan isakay sa tricycle ng dalawang lalaki ang mga bata.
 
Aniya, ilang beses niyang tinangkang tawagan ang anak sa cellphone nito pero nare-reject ang mga tawag niya.
 
Nang sumagot na ang kaniyang anak, sinabi nito na dinukot sila ng dalawang lalaki at naroon sila sa karatig-bayan na Teresa.
 
Sinabi naman ni Sr. Insp. Perlito Tuayon, hepe ng Morong police, maaaring kidnap-for-ransom ang motibo sa pandukot sa dalawang bata.
 
Kasabay nito, tiniyak ni Sr. Insp. Richard Ganalon, hepe ng Teresa police na kanilang pag-aaralan ang mga kuha ng CCTV sa mga dinaanan ng mga suspek lalo’t ito ang unang kaso ng kidnap for ransom sa kanilang lugar.
 

Facebook Comments