2 BINATILYO, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG ILEGAL NA BARIL

CAUAYAN CITY – Arestado ang dalawang binatilyo matapos makatuhang nagbebeta ng mga ilegal na baril sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mgaito na sina alyas “Bugoy”, 19 – anyos, at alyas “Dodong”, 20-anyos, parehong mga estudyante at residente sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa PNP Cauayan, isang informant umano ang nag-ulat sa kanila patungkol sa ilegal na bentahan ng mga hindi rehistradong baril. Agad namang nagsagawa ng entrapment operation ang Cauayan Police Station dahilan upang maaresto ang mga suspek.

Nasamsam mula sa kanila ang 1 unit ng Armscor caliber .38 special revolver, 3 piraso ng live ammunition, isang motorsiklo, buy-bust money na nagkakahalaga ng P8,000, isang bag, at isang cellphone.

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyong ng kasong RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Batas Pambansa Blg. 881 o Omnibus Election Code.

Facebook Comments