
Sinalakay ng NationaI Bureau of Investigation (NBI) ang mga unit ng kompanya ni dating Rep. Zaldy Co sa BGC, Taguig City.
Ito umano ang posibleng pinagtataguan ng mga dokumentong may kinalaman sa bid-rigging.
Ayon sa NBI, nag-ugat ang operasyon sa testimonya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara at Orly Guteza na nagdala umano dito ng male-maletang kickback sa flood control projects.
Dahil na rin sa bisa ng inspection order mula sa Makati RTC ginawa ang pagsalakay para mapigilan ang pagsira sa mga dokumentong posibleng may kinalaman sa bid-rigging o pagmamanipula sa resulta ng bidding sa mga flood control project ng pamahalaan.
Samantala, sakaling may mkauha ang NBI na mga dokumento ay agad kukuha ng kopya kako na kung ang dokumento ay may kinalaman sa maanomalyang proyekto ng pamahalaan.









