Pinalawak pa ng pamahalaan ang kanilang ibibigay na tulong sa mga kuwalipikadong public utility jeepney and UV Express drivers.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin, ito ay bahagi ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program ng pamahalaan.
Sa ilalim din ng fuel subsidy program, may matatanggap na ₱1,500 ang bawat PUV kada linggo sa loob ng tatlong buwan.
Una rito, pinalawak ng pamahalaan ng ₱10-per-liter Fuel Subsidy Program (FSP) sa pamamagitan ng pag-obliga sa lahat ng liquid fuel retail outlets (LFROS) sa buong bansa na sumali sa programa.
Sa lahat ng operational fuel stations, mayroon nang sumaling 616 stations sa Luzon, 173 sa Visayas at 150 stations sa Mindanao o kabuuang 938 station sa buong kapuluan.










