Monday, May 18, 2026

Pondo para sa mga proyekto ng barangay sa 2027, dodoblehin kapag naging maayos ang implementasyon — PBBM

Screenshot from RTVM

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na dagdagan ng pamahalaan ang pondo ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) sa 2027 kapag naging maayos ang pagpapatupad ng programa.

Ayon sa pangulo, nais ng gobyerno na direktang maramdaman ng mga barangay ang tulong ng estado, lalo na sa mga pangunahing proyekto at pangangailangan ng mga residente.

Hinati ang pondo sa dalawang bahagi kung saan ₱100,000 ang ilalaan sa mga prayoridad na proyekto ng barangay gaya ng streetlights, kagamitan sa opisina, serbisyong pampubliko, at disaster response.

Ang natitirang ₱100,000 ay inilaan para sa limang Bagong Pilipinas scholars kada barangay na makakatanggap ng tig-₱20,000.

Batay sa datos ng pamahalaan, umaabot na sa 7,933 barangay sa buong bansa ang nabigyan ng ayuda sa ilalim ng programa, na may kabuuang pondong ₱1.59 bilyon.

Facebook Comments