
Hindi na muna magbibigay ng iba pang impormasyon ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa patuloy na pagtugis sa puganteng si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, ito ay dahil nagpapatuloy na ang operasyon ng nga awtoridad na hindi pwedeng isapubliko.
Layon daw nitong maiwasan na mapurnada ang operasyon at hindi mabalewala ang layunin na madala si Dela Rosa sa International Criminal Court (ICC) na siyang naglabas ng warrant of arrest.
Una na kasing sinabi ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na dadalhin sa DOJ si Dela Rosa oras na maaresto na ito ng mga awtoridad.
Kinumpirma rin ni Justice Secretary Eric Vida na may lead na sila sa pinagtataguan ng senador pero tumanggi na itong magbigay ng karagdagang detalye.










