2 pulis nahuling nagii-escort sa isang kandidato sa Marilao, Bulacan

Nadiskubre ng mga tauhan ng Philippine National Police Counter Intelligence Task Force (PNP CITF) na nagii-escort ang dalawang police officer sa isang kandidato sa pagka-alkalde sa Marilao, Bulacan na si Ricardo Silvestre.

Ayon kay PNP CITF Chief Police Colonel Romeo Caramat, hindi inaresto at ikinulong ang dalawang pulis na sina Police Corporal Gerlie Garcia at Police Patrol Jed Ceril Sevilla dahil admin case lamang ang kaso ng mga ito.

Nakita ang dalawang pulis na nagbibigay ng security kay Silvestre habang nangangampanya sa Nicanor Guillermo Convention Center, sa Poblacion II Marilao, Bulacan.


Pero pinagsabihan silang itigil na ang pagbibigay ng security sa kandidato dahil kung hindi kakasuhan sila ng paglabag sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte at ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na manatiling non partisan.

Samantala sinibak naman ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang Chief of Police ng Marilao Police Station na si Police Colonel Ricardo Pangan dahil sa pangyayari.

Facebook Comments