200 business establishment na Blacklisted ng City Licensing

Nasa dalawang daan mga business establishment sa cot.city ang nasa blacklist ng city liensing division ng City Government ng Cotabato…Sinabi ni Sec to the mayor Aniceto Boy Rasalan na ito yung mga establishment na nagkaroon ng problema sa Bureau of Fire at mga delinguente.
Anya tatanggapin parin nila ang renewal ng kanilang business permit ngunit made-deferred din dahil sa nasabing problema…Kayat dapat maaga umanong pumunta sa City licensing upang maayos agad ang problema sa permit..Naseparated na daw ang pangalan ng 200 blacklisted. Samantala sa ikalawang linggo ng renewal ng business permit sa cot.city ay Inaasahang pa ang pagdagsa ng mga owner ng business establishment sa pagpapatala..Ayon parin kay sec to the mayor aniceto Boy Rasalan na walong libo ang inasahang magpa renew ng licensya, mula sa malaki hanggang sa sarisari store, tricycle at mga PUJ,s.. No noon break at hanggang alas nueve ang mga staff ng licensing sa pagprocess ng renewal…Bukas din sila kahit sabado at lingo at ang deadline ay sa January 20…Wala narin magaganap na extension kayat habang maaga daw ay pumunta nasa peoples palace dahil sa January 21 ay meron ng surcharge na ipapataw.
Magstricto nasa compliance ng CCTV camera ang city govt of cotabato sa mga business establishment na magparenew ng kanilang lisensya sa ngayon…Batay sa city ordinance ng CCTV camera ay sari-sari store lamang ay excempted sa paglalagay ng CCTV..Lahat ay dapat mag install na ng CCTV…Nariyan daw ang city public safety office para mag inspection sa mga tindahan kung sila ba ay sumusunod sa ordinansya.

Facebook Comments