23 pasahero ang nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang free, random, at voluntary Antigen test ng Metro Manila’s railways.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), as of January 13, 2022, umabot na sa 228 ang isinagawang test ng Metro Rail Transit line-3, Light Rail Transit line-2 at Philippine National Railways.
Sa nasabing bilang, walo mula sa 96 na pasahero ng MRT-3 ang nagpositibo sa COVID-19.
12 mula sa 85 naman ang positibo rin sa LRT-2 at 47 mula sa PNR stations.
Ang mga nagpositibo ay hindi pinasakay ng train ay pinayuhang umuwi na at mag-home isolate.
Pinarereport din ang mga nagpositibo sa kanilang Barangay Health Emergency Response Team para sa kanilang monitoring.
Pinayuhan din ang mga ito na sumailalim sa confirmatory RT-PCR testing.