DepEd-Pampanga, nagpatupad na rin ng health break!

42

Nagpatupad na rin ang Department of Education-Schools Division Office (DepEd-SDO) Pampanga ng kanselasyon ng klase sa probinsya.

Sa ipinalabas na pahayag ng DepEd-SDA sa Twitter, wala nang pasok sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan mula January 17 hanggang 21, 2022.

Habang pinayuhan naman ang mga private schools na magsagawa ng konsultasyon sa mga magulang hinggil sa pagpapatupad ng health break.


Una nang nagpatupad ng health break ang DepEd-Calabarzon at iba pang LGUs dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kahapon, naitala ang 37,207 na bagong arawang kaso ng COVID-19 na siyang pinakamataas na naitala simula ng tumama ang pandemya.

Facebook Comments