Umabot sa 244 ka piraso ng canned pork meat ang kinumpiska at sinira ng mga otoridad mula sa mga inbound passengers sa dalawang international airport sa Panay.
Nagmula ang mga canned and processed meat products sa mga bansa na may outbreak na ng African Swine Flu o ASF virus.
Kinumpirma ni Dr. John Rhoel Hilario, Regional Veterinary Quarantine Officer na kinuha nila ang mga processed meat products mula sa mga dumarating na pasahero, sinira at inilibing sa dumpsite sa Cabatuan, Iloilo.
Karamihan sa mga kinumpiska nagmula sa mga pasahero galing sa Hongkong.
Sinabi ni Dr. Hilario na isa ang Hongkong sa mga bansa na may outbreak na ng African Swine Flu.
Maliban sa mga Overseas Filipino Workers o OFW, kinumpiska rin ang dalang processed meat products ng mga dayuhan.