Wednesday, November 11, 2026

Kalagayan ng mga OFW sa Japan, binabantayan ng DMW matapos ang magnitude 5.7 earthquake

Kasalukuyang binabantayan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) matapos yanigin ng magnitude 5.7 na lindol ang gitnang bahagi ng Japan dakong 1:06 a.m. ng madaling araw noong Sabado, November 8.

Niyanig ng lindol ang Shizuoka Prefecture at naramdaman din sa Hamamatsu, Aichi, Kyoto, Nara, Yamanashi, at Gifu, kung saan walang inilabas na tsunami warning ang mga awtoridad.

Nakatutok na ang Philippine Embassy at Migrant Workers Office Tokyo upang alamin kung may mga kababayang nangangailangan ng tulong sa mga naapektuhang lugar.

Pinagiingat din ng DMW ang mga Pilipino sa Japan sa mga matataas at matatarik na lugar na maaaring unang tamaan ng aftershocks.

Pinapayuhan rin ang mga OFW na tumawag agad sa hotline ng Migrant Workers Office ng Tokyo o sa hotline ng DMW para sa anumang saklolo.

Facebook Comments