3-days Contact Tracing Training, Inilunsad ng TOG2-PAF

17

Cauayan City, Isabela- Nasa 34 na health workers, Barangay Officials at volunteers ang nakiisa sa tatlong araw na Basic Contact Tracing Training na inilunsad ng Tactical Operations Group 2 Philippine Air force sa bayan ng Angadanan, Isabela.
Ang nasabing pagsasanay ay paraan upang matugunan ang mabilis na pagtukoy sa mga taong posibleng may sintomas ng COVID-19.
Kahapon, nagtapos ang nasabing pagsasanay na dinaluhan ni Vice Mayor Diosdado Siquian at Barangay Captain Daracan ng Centro III na naging katuwang para sa matagumpay na aktibidad.
Katuwang ang Southern Isabela College of Arts and Trades (SICAT) at Local Government Unit ng Angadanan sa isinagawang pagsasanay.

Photos: TOG2-PHIL. AIRFORCE


Facebook Comments