3 gun ban violators, naaresto ng Parañaque police

33

Tatlong gun ban violators pa ang naaresto ng mga pulis sa Binondo, Maynila ngayong Lunes.

Sa ulat, nakatanggap ng tip ang mga pulis ng Parañaque hinggil sa tatlong suspek na may bitbit na service firearms na umano’y private security agents ng isang kompanya.

Sinundan sila ng mga pulis hanggang sa makorner sa kanto ng Ongpin.


Nito lamang Sabado, tatlo rin ang nadakip ng PNP-Highway Patrol Group sa lungsod ng Quezon dahil sa pagmamaneho ng kotseng may kahina-hinalang plaka.

Nang inspeksyunin ang loob ng sasakyan ay doon na nakuhanan ng tatlong baril ang mga suspek.

Samantala, iiral ang gun ban sa buong Metro Manila hanggang sa Miyerkules, July 27.



Facebook Comments