
Nagpahinga muna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong araw ng Linggo at Lunes matapos ang sunod-sunod na international engagements.
Naging punong abala ang pangulo sa ASEAN na sinundan ng pagdalo niya APEC summit sa Shenzhen, China.
Ibinahagi rin ng Pangulo sa Kapihan sa Media sa China, na sumama ang kaniyang pakiramdam sa gitna ng APEC summit.
Sa Facebook post naman ni First Lady Liza Marcos, sinabi nitong nagpasya silang mag-asawa na maglaan ng dalawang araw para magpahinga at mag-recharge matapos ang sunod-sunod na gawain.
Walang itinakdang aktibidad ang mag-asawa at pinili lamang na mag-enjoy sa tahimik na oras na magkasama.
Facebook Comments










