3 INDIBIDWAL, NASUKOL SA SACLEO NG PNP SOLANO

CAUAYAN CITY – Sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) laban sa mga wanted person, 3 indibidwal ang nasukol ng kapulisan ng Solano Police Station.

Ang mga nahuling indibidwal ay nahaharap sa kasong Qualified Theft na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱56,000.00 para sa pansamantalang kalayaan nito. Arestado rin sa operasyon ang indibidwal mula sa Solano, Nueva Vizcaya na nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Samantala, nahuli rin ang wanted person na may kasong Slight Physical Injuries kung saan ay may inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala sa himpilan ng Solano PS ang mga suspek para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang dokumentasyon.

Tiniyak naman ni Police Major Michael Gobway, Chief – of – Police ng Solano PNP, na patuloy ang kanilang pagsisikap na madakip ang mga indibidwal na lumalabag sa batas sa kanilang lalawigan.

Facebook Comments