
Cauayan City – Mamamahagi ng educational allowance ang LGU Burgos sa unang semestre ng Academic Year 2024-2025 ngayong araw sa Burgos Community Center.
Hinihikayat ang mga scholar na magdala ng dalawang photocopy ng kanilang School ID. Kung walang School ID, maaaring magdala ng dalawang photocopy ng anumang valid ID.
Pinapayuhan din ang mga magulang o guardian na samahan ang mga scholar sa payout upang maging maayos ang proseso.
Bilang bahagi ng patuloy na suporta ng LGU Burgos sa edukasyon, layunin ng programang ito na makatulong sa mga mag-aaral na makamit na makapagbigay ng inspirasyon sa kanilang patuloy na pagsisikap sa pag-aaral.
Samantala, para sa mga may karagdagang katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa kanilang official Facebook page ang LGU Burgos.