ANAK NG MGA 4PS BENEFICIARIES, HINIHIKAYAT NA IREHISTRO SA PHILSYS

Cauayan City – Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na iparehistro ang kanilang mga anak na edad 0-5 taon sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon kay Gema Gabuya, Manager at Director ng 4Ps National Program, ang pagpaparehistro ng mga bata ay itinuturing na katumbas ng Family Development Session (FDS), isang aktibidad ng 4Ps na naglalayong turuan ang mga benepisyaryo tungkol sa kalusugan, edukasyon, at wastong pamamahala ng pera.

Upang makumpleto ang compliance sa isang buwang FDS, kailangang magparehistro ang head of the family sa PhilSys, habang para naman makumpleto ang dalawang buwang compliance, dapat iparehistro ang lahat ng miyembro ng pamilya, lalo na ang mga batang wala pang limang taon.


Pinaalalahanan ng DSWD na ang pagpaparehistro sa PhilSys ay magbibigay-daan upang mas mapadali ang access ng mga bata sa mahahalagang serbisyo ng gobyerno sa hinaharap.

Facebook Comments