Thursday, November 19, 2026

3 kapwa akusado ni Zaldy Co sa flood control anomaly, idineklarang pugante ng Sandiganbayan

Idineklara na ng Sandiganbayan bilang mga pugante sa batas ang tatlong kapwa akusado ni dating Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Kabilang dito si dating DPWH materials engineer Timojen Sacar at mga board member ng Sunwest Construction na sina Anthony Ngo at Consuelo Aldon.

Sa desisyon ng Sandiganbayan Fifth Division, pinagbigyan ang mosyon ng prosekusyon na ideklarang fugitives from justice ang tatlo matapos mabigong maipatupad ang mga warrant of arrest laban sa kanila.

Iniutos din ng korte ang pagkansela sa kanilang mga pasaporte upang mapigilan ang patuloy na pag-iwas sa proseso ng batas.

Nahaharap ang tatlo sa mga kasong graft at malversation kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control project na nagkakahalaga ng mahigit ₱289 milyong.

Facebook Comments