Thursday, November 19, 2026

PNP, suportado ang mahahalagang pambansang gawain ng pangulo kasunod ng pag-alis nito para sa APEC Summit

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang mahahalagang pambansang gawain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng pag-alis nito sa bansa para dumalo sa 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Ang nasabing pagdalo ng Pangulo sa APEC ay nagpapakita ng patuloy na efforts nito para mapalakas ang regional cooperation, isulong ang magkakaparehong prayoridad at makabuo ng matatag na partnerships sa mga karatig bansa.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., bahagi ng responsibilidad ng PNP na matiyak ang seguridad ng Pangulo at ang maayos na pagtupad sa mandato nito.

Aniya, ang pagsuporta sa lider ng bansa ay nakakatulong para matiyak na ang mga importanteng aktibidad ng pamahalaan ay ligtas at maayos na naisasagawa.

Nabatid na ang APEC Summit ay gaganapin sa Shenzhen, Guangdong Province, sa China simula November 18 hanggang 19.

Facebook Comments