3 sasakyan nagkarambola Ginang patay, estudyante kulong sa Urdaneta City

Patay ang isang ginang matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa Urdaneta City, Pangasinan. Kinilala ang nasawi na si Maria Teresa Corpuz, 52 anyos at residente ng Brgy. Alibeng Sison Pangasinan Ayon sa imbestigasyon ng Urdaneta PNP na habang binabagtas ng tricycle na sinasakyan ni Corpuz kasunod ang Morris Garage na minamaneho ni Arvi Clyveen Binwag, isang estudyante ng biglang masalpok mula sa likurang bahagi na dahilan para tumilapon ang tricycle at muling sumalpok sa kasalubong nitong isa pang sasakyan. Agad tinakbo sa kalapit na ospital ang drayber ng tricycle ngunit dineklarang dead on the spot ang angkas nitong si Corpuz. Nakainom naman umano ang estudyanteng si Bunnol na haharap sa kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide. Photo Credit: BFP Urdaneta Region 1 facebook page

Facebook Comments