30 tauhan ng BuCor sa Bilibid, inalis sa pwesto

30 tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City ang sinibak sa pwesto.

Kasunod ito ng nangyaring kaguluhan sa Bilibid nitong July 25 kung saan isang preso ang natagpuan sa septic tank sa NBP.

Kinumpirma naman ni BuCor Chief Gregorio Catapang Jr., na isasailalim din sa re-evaluation ang 1,000 pang tauhan ng Bucor.


Layon nito na masuri ang kanilang performance sa loob ng NBP.

Inanunsyo rin ni Catapang na magdadagdag sila ng mga poste ng ilaw sa loob ng Bilibid lalo na sa maximum compound.

Bukod dito, magdadagdag din aniya sila ng jail guards na magro-roving sa Bilibid para matutukan ang galaw ng mga preso.

Facebook Comments