
Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga grupong nagpaplano na gumawa ng pampublikong demonstrasyon na makipagugnayan sa mga awtoridad at isagawa ang mga rally sa tamang mga lugar .
Kinikilala ng PNP na ang pampublikong demonstrasyon ay parte ng demokratibong lipunan, kung saan ang mga tao ay may oportunidad na magpahayag ng kanilang mga hinaing at mapakinggan ang kanilang mga panawagan.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang hiling lamang ng pulisya ay maging maayos ang mga pagkilos at masunod ang mga itinakdang lugar na pagdarausan ng mga protesta nang walang nakokompermisong kaligtasan ng bawat isa.
Inatasan ni Nartatez ang mga police commanders at mga tauhan nito na manatiling propesyonal, magalang at sukatin ang pag-approach sa mga demonstrador.
Nagpaalala rin ang PNP sa mga organizer ng mga posibleng rally na kumuha ng permit para maiwasan ang mga penalties at makipagugnayan sa mga awtoridad kaugnay ng kanilang isasagawang aktibidad .










