Aabot sa 350 lola kasama ang kanilang mga apo ang nakinabang sa programang “Lola Cares” para magbigay ng suporta at tulong sa mga lolang tumatayong tagapag-alaga ng kanilang mga apo habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang mga magulang ng mga ito.
Kabilang din sa isinagawang aktibidad ang libreng check-up, pagpaparehistro sa PhilHealth, Yakap, Gamot Program, at nagsagawa rin ng libreng haircut kasama ang pamamahagi ng ilang food products at nutritional supplements at emergency hotline numbers para sa mga benepisyaryo.
Umaasa naman ang mga organizer na sa pamamagitan ng “Lola Cares” ay mas mapapalakas ang suporta at pagkalinga sa mga lolang nagsisilbing pangalawang magulang sa kanilang mga apo habang naghahanapbuhay sa ibang bansa ang kanilang mga anak.
Layunin ng programa na matulungan ang mga lola sa iba’t ibang pangangailangan tulad ng health services, mental health support, edukasyon, at iba pang serbisyong pangkomunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










