Unang Araw ng Releasing ng Scholarship Forms, Dinagsa ng mga Estudyante sa Alaminos City

Pormal nang sinimulan ang unang araw ng releasing of application forms para sa Alaminos City Scholarship Program para sa School Year 2026–2027 noong May 24, 2026.

Maagang dumagsa ang mga estudyante at aspiring scholars upang kumuha ng application forms bilang unang hakbang sa pagtupad ng kanilang pangarap na makapagpatuloy at makatapos ng pag-aaral.

Makikita sa mga aplikante ang excitement at pag-asa habang maagang pumipila para makasama sa scholarship program ng lungsod.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng programang “Edukasyon Para sa Lahat” na naglalayong matulungan ang mga kabataang Alaminian sa kanilang pag-aaral at mabigyan ng mas magandang oportunidad para sa kanilang kinabukasan.

Sa pamamagitan ng scholarship program, umaasa ang pamahalaang lungsod na mas marami pang kabataan ang mabibigyan ng pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.

Samantala, hinikayat naman ng lokal na pamahalaan ang lahat ng aspiring scholars na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at ipagpatuloy ang pagsusumikap para sa mas maliwanag na kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments