Ang Limang miyembro ng Alaminos City Carabao Raisers Association Cooperative (ACCRACo) na aktibong nagpoprodyus ng gatas mula sa kanilang mga alagang kalabaw, ang nakatanggap ng silage bilang karagdagang suporta sa kanilang pag aalaga ng hayop.
Nagmula ang ipinamahaging silage sa isinagawang Farmers Field School (FFS) on Corn and Silage Production kung saan sinanay ang mga magsasaka sa wastong paggawa at paghahanda ng dekalidad na pakain para sa mga alagang hayop.
Layunin ng programa na makatulong sa pagpapalakas ng produksyon ng gatas at masuportahan ang kabuhayan ng mga nag-aalaga ng kalabaw sa lungsod.
Inaasahan namang makatutulong ang naturang inisyatibo upang higit pang mapaunlad ang sektor ng agrikultura at paghahayupan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











