
Arestado ang isang 50-anyos na meat butcher sa buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at PDEA sa Brgy. Nibaliw, Mangaldan, Pangasinan.
Nasamsam sa suspek ang pito na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 55 gramo at tinatayang halagang P374,000. Nakuha rin ang buy-bust money, ilang boodle money, isang smartphone, pulang pouch, at isang motorsiklo.
Isinagawa ang inventory ng ebidensiya sa presensya ng media at mga barangay opisyal. Gumamit din ng body-worn cameras sa operasyon.
Nasa kustodiya na ng PPDEU Pangasinan ang suspek para sa dokumentasyon, medical check-up, at laboratory examination ng mga ebidensiya. Ihahain laban sa kanya ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









