Nakatangap ng kabuuang 15.4 milyong piso cash reward ang apat na informants matapos na magbigay ng impormasyon na naging dahilan ng pagkakaaresto ng 7 leader at sub group leader ng mga teroristang grupo sa bansa.
Mismong inabot nina AFP Chief Lt. Gen. Felimon Santos Jr. at PNP Chief Police Gen. Archie Francisco Gamboa ang cash reward sa apat na AFP at PNP informants sa loob ng Intelligence Service ng AFP building sa Camp Aguinaldo.
Ang unang informant ay nakatanggap ng cash reward na 12.4 million pesos matapos na makapagbigay ng mahalagang impormasyon dahilan ng pagkakapatay dalawang high value target na sina Abu Sayyaf Lider Isnilon Hapilon na may pabuya na 7.4 million pesos at Daesh Inspired Maute Group leader na si Omar Khayam Maute na may pabuya na 5 milyong piso.
Si Hapilon at Maute ay namatay sa joint operations ng AFP at PNP sa Marawi City noong taong 2017.
Pangalawang informant ay nakatanggap ng 600.000 pesos nang makapagbigay impormasyon sa pagkakaaaresto ni Jumar Ibrahim ng Daesh Inspired Maute Group sa Bagong Silang Caloocan City.
Pangatlong informant ay nakakuha rin ng 600,000 pesos nang makapagbigay ng impormasyon sa pagkakapatay ng Abu Sayyaf Leader na si Mohammad Aklam Said sa Patikul Sulu noong taong 2016.
Nakatanggap naman ng 1.8 million pesos ang isa pang informant matapos na makabigay ng impormasyon dahilan ng pagkakaaresto ng tatlong miyembro ng Abu Sayyaf na sina Bads Adjam, Adjid Isnani at Adam Muhamad.
Ang reward system ng AFP at PNP ay nagsimula noon pang June 12, 2001 na layuning hikayating magbigay ng mahalagang impormasyon ang mga sibilyan para mahuli ang mga indibidwal na nagiging banta sa seguridad ng bansa.