400 kasapi ng MILF, nag-apply upang mabigyan ng amnestiya o pardon ng gobyerno

Tinatayang nasa 400 kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nag-apply para mabigyan ng amnesty o pardon mula sa national government.

Ito ay matapos tinurn over na ng Action for Advancement Development of Mindanao (AFADMin) kay Bangsamoro Transition Authority Parliament member Mohagher Iqbal ang listahan ng mga MILF combatants na nais mabigyan nito.

Ayon kay AFADMin consultant lawyer Badrodin Maguindra, binubuo ang listahan ng mga MILF commanders at members mula sa iba’t ibang lugar sa BARMM kabilang na rin ang mga nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig at New Bilibid Prison sa Muntinlupa.


Aminadong nahirapan sila sa pag-apply ng amnesty o pardon dahil walang malinaw na guidelines mula sa MILF at government panels habang wala ring gabay na nakalagay sa implementing rules and regulations ng National Amnesty Commission (NAC) para sa pagproseso nito.

Umaasa naman si Iqbal na pabibilisin ni Pangulong Bongbong Marcos ang proseso sa pagbigay ng amnesty at pardon.

Facebook Comments